Trillanes, tinawag na ‘fake news’ ang bintang ni Duterte na may offshore bank accounts siya

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Itinanggi ni Senator Antonio Trillanes IV ang akusasyon ni President Rodrigo Duterte na mayroon siyang offshore bank accounts.

Ayon kay Trillanes, fake news ang nasabing akusasyon sa kanya at tinawag pang sinungangling si Duterte.

“Hindi totoo yan. Fake news yan. Sinungaling yan si Duterte,” ani Trillanes.

Hinamon pa ng senador ang Pangulo na ilabas ang mga detalye at agaran siyang pipirma ng waiver para pabulaanan ang mga ito.

“Hinahamon ko siya na ilabas nya ung detalye at agaran ako pipirma ng waiver para malaman ang katotohanan,” ani Trillanes.

Ayon kay Duterte, mayroon umanong mga bank accounts ang senador sa Hongkong, Australia, at Amerika. Isisiwalat niya ang mga ito sa susunod na mga araw.

Share.

Leave A Reply