Defense chief Lorenzana: Hindi totoo ang sinabi ni Belgica na may kill plot ang LP vs Duterte

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Walang proof ng umano’y destabilisasyon o assassination plot laban kay President Rodrigo Duterte, ayon kay National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ito ay kasunod ng pahayag ng natalong senatorial candidate na si Greco Belgica na mayroon umanong plano ang Liberal Party na patayin si Duterte.

Tinuro ni Belgica sina dating Pangulong Benigno Aquino III, ang kanyang political adviser na si Ronald Llamas, dating Budget chief Butch Abad, at pati si Senator Antonio Trillanes IV, bilang nasa likod ng kill plot laban kay Duterte.

“Sila rin ang relentless efforts and attempts to kill the President, destroy his loved ones, and threaten the lives of those who support him,” ayon kay Belgica.

“They have so much money in their hands and they are willing to use it. This is know in the intelligence community. They are willing to use it because they are going to jail,” dagdag pa ni Belgica.

Subalit biglang kambyo si Belgica at iginiit na “intelligence reports” lamang ang natatanggap ng grupo nito.

No proof

“Haka-haka lang niya ‘yan. We find no proof,” ayon kay Lorenzana.

Tinuro rin ni Belgica ang LP na nasa likod ng kaguluhan na patuloy pa ring nangyayari sa Marawi City.

“Not true according to our own inquiry on our commanders in Marawi,” ani Lorenzana.

Share.

Leave A Reply