Senator Trillanes: Duterte, nagpa-panic na dahil mabubunyag na ang illegal na gawain ng pamilya

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Nasa “panic mode” na si President Rodrigo Duterte, ito ang sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV matapos siyang bansagan na “political ISIS” ng Pangulo.

“Si President Duterte ay nagpa-panic dahil malapit na mabunyag ang mga illegal na gawain ng kanilang pamilya. Kaya naman pala bilyon-bilyon ang pera nila sa bangko,” ayon kay Trillanes.

Ayon kay Trillanes, sangkot sa smuggling sa Bureau of Customs (BOC) sina presidential son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at son-in-law na si Atty. Mans Carpio.

Iginiit ni Trillanes na hindi alegasyon ang pagkakasangkot sa dalawa sa Senate probe ukol sa pag-smuggle ng P6.4 bilyong shabu galing China.

“Those are not my allegations but information extracted from Sen. Gordon’s witnesses during the hearings,” ani Trillanes.

Itinuro naman ni Trillanes ang batang Duterte na matagal ng sangkot sa smuggling kasama ang Davao Death Squad noon pang 2007.

“Way back in 2007, there were derogatory reports from the NBI and the Presidential Anti-Smuggling Group about Paolo Duterte’s involvement in smuggling in BoC in Davao City Port,” ani Trillanes.

Nais ni Trillanes na dumalo sina Duterte at Carpio sa imbestigasyon ng Senado upang sagutin ang mga ipinupukol laban sa kanila.

Share.

Leave A Reply