PNP chief Bato: Desisyon ni Duterte na ikansela ang paglipat kay Espenido sa Iloilo City

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Mismong si President Rodrigo Duterte ang nagkansela ng kanyang sariling utos na italaga si Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City, ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, ayaw umano ng mga taga-Ozamiz City na ilipat si Espenido sa Iloilo at baka magka-“People Power” pa.

“The big reason is si Presidente mismo ang nagbigay ng instruction na ‘wag nang ituloy dahil nga madedemoralize ‘yung mga tao sa Ozamiz kung tanggalin natin si Epenido doon, dahil balita ko nga mag-People Power sila kung tanggalin si Espenido doon sa Ozamiz,” ayon kay dela Rosa.

Si Espenido ang nasa likod ng police operation sa Ozamiz City kung saan napatay ang mayor nito na si Reynaldo Parojinog pati ang asawa nito, at 13 iba pa.

Nais patutokan ni Duterte si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na umano’y drug protector ayon sa kanyang “narco-list”.

“I will ask you again. You ask for the assignment sa Leyte, namatay ang mayor doon. You ask for another assignment sa Ozamiz, namatay ang mayor doon, si Parojinog. Ngayon, gusto mo sa Iloilo, kasi si Mabilog has been identified as a protector – mayor. Mabuhay kaya siya?” ayon kay Duterte.

Itinanggi naman ni dela Rosa na kinansela ni Duterte ang paglipat kay Espenido sa Iloilo dahil sa pagkakakapatay sa drug lord na si Richard Prevendido at ang disproportionate na ranggo ni Espenido sa ranggong kailangan para mai-assign sa Iloilo City.

 

Share.

Leave A Reply