Gordon: Ethics complaint vs Trillanes, suportado ng Senate majority

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Suportado umano ng mayorya ng Senado ang isasampang ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV, ayon kay Senator Richard Gordon.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pagtawag ni Trillanes na “komite de absuelto” sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC), kung saan pinamumunuan ito ni Gordon.

“I have the support of more than 10, more than 12, more than 14 senators,” ayon kay Gordon.

Inanunsyo ito ni Gordon matapos ang mahigit apat na oras na caucus ng Senate majority kung saan tinalakay ang mga priority bills at pati na rin ang ethics complaint laban kay Trillanes.

Share.

Leave A Reply