Duterte kay Paolo: Pumunta ka sa Senate probe, pero ‘wag mong sagutin si Trillanes

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr +

Pinayuhan ni President Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Subalit kung dadalo ito, sinabi ni Duterte na huwag paunlakan ng sagot si Senator Antonio Trillanes IV.

“Ako, ang advice ko kay Pulong? “Punta ka doon, then pagdating mo and he questions, sabihin mo lang na, “I will not answer you, I’m invoking my right of silence kasi nung eleksyon pa, hindi pa Presidente ang tatay ko, binibira mo na kami,” ayon kay Duterte.

Pinasaringan naman ni Duterte si Trillanes sa umano’y “fishing expedition” nito laban sa kanyang pamilya.

“For what? You are on a fishing expedition. Kaya kung may gusto kang malaman, huwag mong kunin sa bunganga ko. Gago ka pala. ‘Di maghanap ka kung saan-saan mo hanapin. Kung totoo talaga ‘yan,” ani Duterte.

“So that is all there is to it. So why bother asking a lawyer and asking a plain citizen, or Vice Mayor for that matter, na in-assume mo na na sila publicly, ‘yun ang behind Davao group? Sino pa may gusto na magsagot sa iyo?” dagdag pa ni Duterte.

Share.

Leave A Reply